Arjo Atayde, nalungkot sa pagkawala ng kanyang karakter sa 'The General's Daughter'

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2019 11:52 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Pinag-usapan ang eksena kung saan namatay ang mga karakter nina Maricel Soriano at Arjo Atayde sa teleseryeng "The General's Daughter" na pinagbibidahan ni Angel Locsin.

Umagos ang luha nang magpaalam na ang mga karakter nina nanay Isabel (Maricel) at Elai (Arjo) na tinutukan gabi-gabi.

Si Arjo, aminado na mahirap bumitiw sa isang role lalo na at napamahal na ito sa kaniya.
 
"Actually sa akin di pa nagsi-sink in. Nalulungkot ako na wala nang taping, of course, [kasi] nakasanayan ko siya for eight months. Just like in any other teleserye, it's like you are losing a person in your life. That's how I feel every time I lose a character," aniya.
 
Sina Eula Valdez at Ryza Cenon, sinabing nami-miss nila sina Maricel at Arjo sa kanilang taping dahil isa na silang pamilya.

"Siyempre nalungkot din kami dahil may nawala rin sa family ng soap kasi sobrang bonding na rin namin sa set," ani Ryza.
 
Saludo naman si Albert Martinez sa kinalabasan ng eksena.

"Sa rehearsals pa lang lahat umiiyak na when we're watching it. Saludo ako kay Ms. Maricel and Arjo for one great performance. And, of course, the way hinandle ni Angel ang eksena, it's amazing," aniya.
 
Napapanood ang "The General's Daughter" gabi-gabi sa ABS-CBN pagkatapos ng "Ang Probinsyano."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.