Sitti Navarro, isinantabi ang musika para sa pamilya

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2019 01:06 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Inamin ng bossa nova singer na si Sitti Navarro na malaki ang nabago sa kanyang buhay simula ng magkaroon siya ng sariling pamilya.

Sa panayam niya sa "Magandang Buhay" nitong Martes, inalala ni Sitti ang panahon nang magbuntis siya noong 2018.

"Months before that nag-release ako ng 'Electro Sitti' na album. Sobrang iba siya. Siyempre kilala ako sa bossa nova and I did this experimental album which is electronic music na sobrang excited ako gawin. All original. Handa na akong mapuyat kasi may club tour, pero 'yun pala 'yung plano ni Lord for me na puyat ay dahil sa baby," ani Sitti.

"So naisantabi siya. Pero sa akin, parang okay lang for me na hindi siya natuloy kasi naniniwala ako na lahat ng pangarap natin, kung para sa atin talaga siya, mangyayari siya."

At sa pagsasantabi ng kanyang karera sa musika, hindi rin inakala ni Sitti na muli siyang dadalhin ng tadhana sa kanyang panagarap.

"Hindi man nangyari 'yung club tour na 'yun may iba namang plano si Lord for me, which is this coming September 28, I'll be participating in an international jazz festival in Malaysia. Sobrang 'yun ang dream come true ko, na pangarap ko siya years back even before I got married I think, tapos nakalimutan ko na," sabi pa niya.

"And then ngayon na puyat-puyat ako na hindi ko na iniisip ang musika ko biglang ngayon siya ginantimpala ng Panginoon, so sobrang thankful ako."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.