Mga bida ng 'The Panti Sisters', nagpasalamat sa tagumpay ng pelikula

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2019 07:17 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Black Sheep (@black_sheepph) on

MAYNILA -- Labis na pasasalamat ang ipinaabot ng mga bida ng pelikulang "The Panti Sisters" na sina Christian Bables at Martin Del Rosario para sa mainit na suporta sa kanilang pelikula.

Ang "The Panti Sisters" ang nangunguna sa mga pelikulang kalahok sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP). Sa kasalukuyan, tumabo na sa P61,775,289.96 milyon ang kinita ng pelikula at inaasahan pa ang pagdoble sa mga susunod na araw.

 

"Hindi ko lubos na inakala na aabot kami sa ganito. Ngayong andito na kami, para akong nasa cloud 9. Ang galing," tugon ni Christian sa isang panayam nitong Martes.

"Ako rin, hindi ko ine-expect 'yung ganitong suporta kaya naman grabe 'yung appreciation at lahat ng nanood at sumuporta para sa film," dagdag ni Martin.

Dahil sa mga napapanahong isyu ng LGBTQ community, naniwala si Christian na sadyang naka-relate ang karamihan sa masayang kuwento ng magkakapatid na Panti.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Ako personally, kitang kita ko 'yun (support) sa mga tweets 'yung thoughts nila about the (LGBTQ) issues. Sobrang happy and sobrang sarap sa pakiramdam na naihatid namin ng maayos ang mensahe namin na gusto namin ibahagi sa mga tao," sabi pa ng aktor.

Bukod sa positibong pagtanggap ng mga manonood sa "Panti Sisters," dobleng saya naman ang nararamdaman ni Martin matapos niyang masungkit ang pagkilala bilang Best Actor sa naganap na gabi ng pagkilala ng PPP.

"Sabay sabay na nga e. Bukod sa top grosser na 'yung film sa Pista ng Pekikulang Pilipino, best actor pa, kaya thank you, Lord. Pero siyempre kaming tatlo talaga ang best actor, si Paolo (Ballesteros)and si Christian, sa aming tatlo 'yun."

Sa ngayon, patuloy pa rin na napapanood ang "The Panti Sisters" at iba pang pelikula na bahagi ng 2019 PPP.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.