Jose Mari Chan inimbitahang mag-cameo sa 'Kadenang Ginto'

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2019 08:21 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Inimbitahan ni Dimples Romana ang singer na si Jose Mari Chan na mag-cameo appearance sa pinagbibidahan niyang top-rating serye na "Kadenang Ginto."

Ayon kay Chan, kung magka-cameo, nais daw niyang gampanan ang papel ng isang probinsyano mula Iloilo.

Paboritong patugtugin ng mga Pinoy tuwing Pasko ang Christmas songs ni Chan kaya abala uli ang 74 anyos na mang-aawit ngayong sumapit na ang "Ber" months. 

Ayon kay Chan, natutuwa siya dahil tinatangkilik pa rin ang kaniyang Christmas songs kahit matagal nang inilabas.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.