Angel Locsin, pinaghahandaan na ang huling 3 linggo ng 'General's Daughter'

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2019 04:12 PM | Updated as of Sep 17 2019 07:18 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

MAYNILA -- Sa nalalapit na pagtatapos ng kuwento ni Rhian Bonifacio sa "The General's Daughter," asahan na raw ang mas maaksyon pang mga eksena na kanilang inihahanda para sa mga sumusubaybay ng sikat na Kapamilya serye. 

Ayon sa bida nito na si Angel Locsin, pinaghandaan na nila ang nalalapit na pagwawakas ng kanilang programa at dapat asahan ang mga rebelasyon sa daloy ng kuwento.

"Intense talaga. Nakakatuwa na nagugustuhan ng mga tao ang naging paghihirap namin at sa malapit na naming pagtatapos, mas intense pa ang mga dapat abangan ng mga manonood. Para sa kanila to," pahayag ni Angel sa panayam sa Sine Sandaaan.

Enero nitong taon nang magsimulang mapanoood ang "The General's Daughter" na maituturing na pagbabalik-telebisyon rin ni Angel matapos magpahinga dahil sa kanyang dpine injury.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.