Liza Soberano at Enrique Gil, mag-on na nga ba?

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2018 03:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi itinanggi ng Kapamilya star na si Liza Soberano na nagde-date sila ng onscreen partner na si Enrique Gil.

Pero sa naging panayam kay Soberano nitong Linggo sa "Gandang Gabi Vice," nilinaw ng dalaga na hindi pa sila mag-on ni Gil.

"Hindi pa po official," tugon ni Liza kay Vice nang tanungin ang estado ng kanilang relasyon ngayon.

Ayon pa sa aktres, nais niya na maging official ang kanilang relasyon sa isang kondisyon.

"Para sa akin kailangan ipapaalam muna niya ako sa lolo ko and sa daddy ko. Sana sabay," sabi pa niya.

May mutual understanding man daw sila ng ka-love team, nais pa rin daw ng aktres na malaman ito ng kanilang mga magulang.

"Kaya kailangan 'pag may date ako na kasama siya, kailangan may kasama pa din," pahayag pa ni Liza.

Huling nagsama sa proyekto ang LizQuen sa matagumpay na Kapamilya series na "Bagani."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.