Alex Gonzaga, inalala ang first kiss nila ni Mikee Morada

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2018 03:53 PM | Updated as of Sep 17 2018 11:49 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi itinanggi ni Alex Gonzaga na nag-kiss na sila ng nobyo na si Mikee Morada.

Sa naging masayang guesting ni Alex nitong Linggo sa "Gandang Gabi Vice," inamin ng TV host na unang beses na nahalikan niya ang nobyo noong nagkita sila ni Vice Ganda sa isang mall.

Aniya, iyon ang unang pagkakataon na nahalikan niya si Morada noong nagliligawan pa lang sila nito.

Sa darating na Nobyembre, ipagdiriwang ni Morada at Gonzaga ang ikalawang taon ng kanilang relasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.