Claudine Barretto, handa na sa kanyang pagbabalik-pelikula

ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2019 05:57 PM

MAYNILA -- "Ecstatic".

Ganito nilarawan ni Claudine Barretto ang kanyang nararamadaman sa kanyang nalalapit na pagbabalik-pelikula kasama ang kanyang "Milan" leading man na si Piolo Pascual.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Matatandaan na isa ang reunion movie nina Piolo at Claudine sa mga huling pelikula na nakatakdang gawin ng direktor na si Cathy Garcia-Molina bago ito mag-break sa pagdi-direct.

Kuwento ng aktres, puspusan na ang kanyang paghahanda ngayon para sa nalalapit na shoot ng pelikula na inaasahan na kukuhanan sa Florence, Italy.

"Nagpa-pack na ako ng mga gamit para anytime," ani Claudine sa panayam ng press sa naganap na Sine Sandaan.

Labis na pananabik rin ang nararamdaman ng aktres para sa muling pagsasama nila ni Piolo na isa sa malapit niyang kaibigan.

Taong 2004 nang huling nagsama sa pelikulang "Milan" sina Piolo at Claudine.

"He's getting better and better as an actor, as a singer. He never stopped growing, that's the one thing I really like about Piolo," ani Claudine.

Bukod sa kanyang pagbabalik-pelikula, ibang saya rin daw ang nararamdaman ngayon ng aktres para sa muling panunumbalik ng magandang relasyon niya sa nakatatandang kapatid na si Gretchen Barretto.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

"Sobrang happy. Happy din ako ang ganda ng feedback at parang ang dami din nag-pray na maging okay ulit kami. Actually mas close ngayon talaga 'yung time na talagang nagkakakilala kami," aniya.

Maliban sa pelikula, hindi rin isinasara ni Claudine ang posibilidad na muling gumawa ng teleserye.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.