ABS-CBN Ball gown ni Judy Ann Santos, isusubasta para sa Bantay Bata

ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2019 07:35 PM

MAYNILA -- Matapos rumampa ni Judy Ann Santos sa naganap na ABS-CBN Ball 2019 nitong Sabado, inanunsyo ng aktres ang planong pagsubasta ng kanyang sinuot na gown para makatulong sa Bantay Edukasyon program ng Bantay Bata 163. 

Sa isang Instagram post, inanunsyo ng aktres ang kanyang hangarin na makatulong sa edukasyon ng mga kabataan na tinutulungan ng Bantay Bata 163.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Official Juday PH (@officialjudayph) on

"I will auction this Yong Davalos black gown and this Oscar De La Renta emerald green gown beginning tomorrow for Bantay Bata. Standby for bidding details," aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Official Juday PH (@officialjudayph) on

Bukod kay Judy Ann, kabilang rin sina Jane De Leon at Angel Locsin sa ilang Kapamilya stars na una nang nagpaabot ng kanilang tulong pinansiyal para masuportahan ang Bantay Edukasyon program ng Bantay Bata 163.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.