BALIKAN: Ilang eksena sa engrandeng ABS-CBN Ball 2019

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2019 06:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Nagningning ang red carpet sa pagdating ng Kapamilya stars suot ang kani-kanilang interpretasyon sa temang "Modern Filipiniana" sa pinakahihintay na ABS-CBN Ball noong Sabado.

Agaw-eksena ang kasuotan ng magkatambal na sina Maymay Entrata at Edward Barber.

"Manila Cathedral [inspired]. Na-inspire po sila sa story ng mga Kastila na kung saan 'yung mga prominenteng tao po ay doon kinakasal sa Manila Cathedral," sabi ng aktres.

Present din sa Ball sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

"Masaya kasi first time namin nakita lahat na naka-Filipiniana at barong and ang ganda tingnan," ani Bernardo.

Sina Liza Soberano at Enrique Gil naman na taon-taong inaabangan ang susuotin sa Ball, hindi raw pressured sa sasabihin ng tao ukol sa kanilang mga outfit.

"I shouldn’t care about what others would think of what I'm wearing as long as I'm comfortable, then I guess that's all that matters," ayon kay Soberano.

Agaw-atensiyon din ang Filipiniana outfit nina Kim Chiu, Xian Lim, Loisa Andalio, at Ronnie Alonte.

Solo namang rumampa sa red carpet sina Donnie Pangilinan, Kisses Delavin, Julia Barretto, Joshua Garcia, Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Gerald Anderson, at Bea Alonzo.

"After so many years ngayon na lang ulit ako naglakad mag-isa. It's empowering, it's liberating and I'm enjoying it," ani Alonzo. 

Kasama si Ogie Alcasid, first time ding dumalo ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa naturang ball, na inaming na-stress siya sa paghahanada.

"I always get stressed out kahit saan namang red carpet," ani Velasquez.

Naging hot topic naman sa social media ang palay-inspired barong ni Francis Mangundayao bilang suporta niya sa mga magsasaka.

Ilang stars din ang nag-uwi ng awards:     

  • Red Carpet Stunner — Chie Filomeno 
  • Beauty on the Rise — Jane de Leon
  • Belle of the Ball — Maymay Entrata
  • Couple of the Night — MayWard
  • Best Dressed Male — Richard Gutierrez
  • Best Dressed Female — Bea Alonzo.

Natatangi ang gabi dahil nagsama-sama ang mga stars para sa misyon na sinimulan ng yumaong ABS-CBN Foundation chairperson Gina Lopez.

"Iyung pondong makakalap [ay] para doon sa edukasyon, scholarship assistance ng mga batang kinukupkop ng Bantay Bata, lalong-lalo na doon sa Children’s Village," sabi ni Bantay Bata program director Jing Castañeda. — Ulat ni Ganiel Krishnan ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.