Piolo Pascual, hiling ang patuloy na suporta sa pelikulang Pilipino

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2019 07:02 PM

MAYNILA -- Isa si Piolo Pascual sa mga nagbigay suporta para sa pelikula ng kanyang anak na si Inigo Pascual na bida sa "I'm Ellenya L" kasama si Maris Racal.

Isa ang "I'm Ellenya L" sa mga pelikulang kalahok sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapanood simula ngayong Setyembre 13 hanggang Setyembre 19. 

At bilang kabahagi ng ika-100 taon ng pelikulang Pilipino, masaya din si Piolo sa mga programang inilatag ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson na si Liza Dino.

"I'm really excited for FDCP chairman Liza Dino for the kick-off of 100 years of Philippine cinema and kasama pa 'yung pelikula ni Inigo and ni Maris. So it's a nice way to celebrate cinema, kaya sana po tangkilin natin ang pelikulang Pilipino. Para sa atin 'to," ani Piolo.

Kasabay ng pagpupugay sa pelikulang Pilipino, umaasa din si Piolo na mas maraming kababayan din ang patuloy na tumangkilik pa sa pelikulang Pinoy.

"Sana nga every month mayroong ganito e, kasi luging lugi tayo sa mga dumarating na malalaking pelikula from abroad, and we have quality films naman that we can be proud of. So sana mas malaki pang suporta ang makuha natin not just from viewers, but also from the cinema owners, kasi sila din 'yung importante para naman mapanood ng maraming Pilipino ang gawa ng Pilipinas," aniya.

Bukod sa pagiging aktor, isang aktibong movie producer din si Piolo na isa sa mga bumubuo ng Spring Films.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.