Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nagbigay suporta sa mga kaibigan na bahagi ng PPP

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2019 07:23 PM | Updated as of Sep 11 2019 08:06 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Sabay na dumating sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa naganap na premiere night ng kanilang mga kaibigan na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia na bida ng pelikulang "LSS."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

Isa ang "LSS" sa mga kalahok sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na mapapanood simula ngayong Setyembre 13 hanggang Setyembre 19. 

Kuwento ni Kathryn, time out muna sila sa kanilang mga trabaho para magbigay sa suporta sa mga kaibigan na mapapanood sa PPP.

"Parehong good friend namin silang dalawa so nakaka-proud na nakita namin sila sa first ever movie nila together and sinamahan mo pa ng magandang soundtrack ng Ben&Ben," ani Kathryn.

Si Daniel naman na tila anak-anakan pa rin ang turing kay Khalil, todo papuri matapos mapanood ang pelikula ng kaibigan.

"Nakaka-proud. Parang anak ko si Khalil kasi kasabayan namin 'yun sa 'Princess and I' 'di ba? So alam mo 'yun, parang ang galing lang ng mga nangyayari sa lahat, ang sarap mapanood and ang sarap nilang makita dalawa," ani Daniel.

"Happy kami sa mga kaibigan namin na nakakagawa ng mga ganitong klaseng pelikula," pahayag pa ng aktor.

Sa ngayon, kapwa abala na si Kathryn at Daniel para sa nalalapit na 2019 ABS-CBN Ball.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.