John Lloyd Cruz, imbitado sa kasal ni Baron Geisler

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2019 04:32 PM

MAYNILA -- Hindi nawawala sa isip ng aktor na si Baron Geisler na imbitahin sa kanyang kasal ang malalapit na kaibigan sa showbiz.

Isa na dito si John Lloyd Cruz na kasama niya sa "Tabing Ilog."

"Of course, hopefully, ma-contact ko si Lloydie. Nami-miss na kita Lloydie man, I miss you, man. I hope to work with you soon," tugon ni Baron sa panayam.

"Balik ka na. Kailangan ka ng industriya, pare."

Dito, ibinunyag din ng aktor na may pag-uusap para sa posibleng reunion project ng mga "Tabing Ilog" stars tulad nina Jodi Sta. Maria, Paolo Contis, Desiree del Valle, Kaye Abad, Paula Peralejo, at Patrick Garcia. 

"Si Direk Malu [Sevilla] nakakausap ko. Sabi niya gusto niyang gumawa ng pelikula or series na 'Tabing Ilog' reunion na malalaki na kami," kuwento ni Baron.

Kung matutuloy man, isa lang ang tanging kondisyon ni Baron bago ito gawin: "Game ako diyan, but we need John Lloyd for this to make it work," pahayag pa ng aktor.

Sa ngayon, abala si Baron bilang si Bungo sa "Ang Probinsyano."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.