JC Santos, masaya ang love life sa bagong GF

ABS-CBN News

Posted at Sep 10 2019 12:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Masaya ngayon ang buhay pag-ibig ng aktor na si JC Santos.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, nagbahagi si JC ng ilang detalye tungkol sa bago niyang nobya na isang chef.

"Nakilala ko siya 16 years ago, schoolmate ko siya sa Pampanga pa. Nagkita kami uli," ani JC.

"Pumunta ako sa isang restaurant, tapos may sarili na siyang restaurant, so ayun," dagdag ng aktor.

Bilang nobyo, naniniwala si JC sa sinasabing "love language."

"May five languages daw. I think ako nandoon ako sa time. Doon ako sa touchy and time. I'd like spending time with the person I love," ani JC.

Matatandaang Enero noong nakaraang taon nang aminin ni JC na hiwalay na siya sa stage actress na si Teetin Villanueva, matapos ang apat na taon nilang relasyon.
 
Bida ngayon si JC sa pelikulang "Open" na isa sa mga kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino kung saan kasama niya ang aktres na si Arci Muñoz.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.