Sharon Cuneta, nate-tense sa reunion movie nila ni Richard Gomez

ABS-CBN News

Posted at Sep 10 2018 04:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Sa ikalawang bahagi ng "Gandang Gabi Vice" guesting ni Sharon Cuneta nitong Linggo ng gabi, isa sa mga napagusapan ang mga dating naging karelasyon ni Megastar kabilang na si Richard Gomez.

"Naging very good friends kami, like me and Robin (Padilla), si Richard at ako, always kami friends, never kami nag-away, nag-split kami ng maayos, maayos ulit," ani Sharon.

Dito, hindi rin itinanggi ni Sharon ang kanyang kaba na nararamdaman sa kanilang reunion movie ni Richard na "Three Words To Forever" kung saan makakasama nila si Kathryn Bernardo.

"I have to admit I’m a little nervous kasi we’re going to do movie together, e 15 years na 'yung dumaan since 'yung huling movie namin together," sabi pa niya.

"Siyempre, we’ve changed so much as individuals. I might be a different person now. We are both married to our respective spouses for over two decades. Baka parang iba na din 'yung pagkatao ko, pagkatao niya, tapos magsasama kami ulit sa pelikula," ani Sharon. 

"So parang ninenerbyos ako. Mayor na siya and ang daming bago, ang daming hindi ko alam, 'yung side niya na 'yun. Ninenerbiyos ako baka iba na siya," pahayag pa ni Sharon.

Inaasahan na bago magtapos ang 2018, mapapanuod ang "Three Words To Forever" sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.