PANOORIN: Yam Concepcion, nagbabalik sa Star Patrol

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2017 10:06 PM

Matapos ang dalawang taon, nagbabalik sa "TV Patrol" si Yam Concepcion bilang tagapaghatid ng mga balitang showbiz.

Nagsilbing Star Patroller ang aktres ngayong Biyernes, habang liban ang regular na Star Patroller na si Gretchen Fullido.

Sa Instagram, ibinahagi ni Concepcion ang pananabik sa muling pag-host ng segment.

 

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion) on

"After two years... I'll be guesting again for star patrol tomorrow!" sulat ni Concepcion.

Kilala si Concepcion sa pagbida niya sa pelikulang "Rigodon," at mga Kapamilya teleseryeng "Dugong Buhay" at "Ang Probinsyano."

Nagtapos si Concepcion ng kursong Multimedia Arts sa Assumption College.

Bahagi ng selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng "TV Patrol" ang guesting ni Concepcion.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.