Karla Estrada, nagbigay-pugay sa lola ni Daniel Padilla

ABS-CBN News

Posted at Sep 06 2019 11:55 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ilang araw bago ang Grandparents Day o Araw ng mga Lolo at Lola, nagbigay-pugay si Karla Estrada sa kanyang ina na si Thelma Ilago na tumulong sa kanya para mapalaki nang maayos ang kanyang anak na si Daniel Padilla.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, inalala ni Karla ang malaking tulong ng ina para itaguyod si Daniel at ang iba pa niyang mga anak.

"I was only 19, turning 20, when I had Daniel so si Mama talaga ang gumabay [kung] paano [ako] maging nanay. Actually hindi lang si Daniel, she [also] took good care of my four children, and the four children also of my sister. Si Daniel lang 'yung lagi niyang sinasabi kasi first apo, hindi ba, na inalagaan niya," ani Karla na taos-pusong nagpasalamat sa ina.

"Of course I want to thank my mom, kasi siya talaga 'yung nandiyan para mag-alaga ng mga anak ko. Kaya nagtuloy-tuloy akong maghanapbuhay at nagawa kong hindi magutom at maitaguyod ang aking mga anak at ang buong barangay. So, thank you, Ma,'" aniya.

Dagdag niya: "Thank you very much for taking care [of my kids], especially DJ. Ang ganda kasi ng pagpapalaki kapag lolo at lola kasi ang mga apo ay nagiging magalang, mapagmahal, maawain, higit sa lahat mapagmahal at maawain sa mga matatanda at marespeto. Kaya salamat."

Samantala, nagpasalamat din si lola Thelma sa apong si Daniel dahil sa ibinigay nitong engrandeng selebrasyon para sa kanyang ika-75 kaarawan.

"Nagpapasalamat din ako kay Daniel, ang pinakamahal ko at pinakamabait na apo si Daniel. Sabi niya, 'Come to Manila.' Kasi nasa Tacloban ako. 'You are already 75, magse-celebrate ka sa Maynila.' So sabi ko, 'Okay,'" aniya.

Maliban kay Daniel, sinabi ni lola Thelma na ang anak niyang si Karla ang may pakana at punong abala sa nakaraang selebrasyon.

"Siyempre ang pinakamahal ko na anak, mabait, wala akong masasabi, napakabait ng anak ko [si Karla]. Manang-mana ang anak niyang si Daniel. Ang ina, sobrang bait din," aniya.

Sagot naman ni Karla, nakuha lang din niya at ni Daniel ang pagiging mapagbigay sa kanyang inang si Thelma.

"Manang-mana kasi kami. Ang pinanggalingan namin ay si Mama. Very, very generous," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.