Mga pelikulang may mapangahas na tema bibida sa PPP 2019

ABS-CBN News

Posted at Sep 05 2019 08:36 PM | Updated as of Sep 06 2019 12:09 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isang linggo na lang ay aarangkada na ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019 na nataon pa sa pagdiriwang ng ika-100 taon ng Philippine cinema. 

Kasabay nito, nakapasa na sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang 2 kontrobersiyal na pelikula ng PPP na may mapangahas na tema.

Ito ay ang "The Panti Sisters" na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin del Rosario na tungkol sa 3 magkakapatid na bading na nais tuparin ang hiling na apo ng kanilang ama kapalit ng P100 milyon. 

Ang isa pang kontrobersiyal na pelikula ay ang "Open" nina Arci Muñoz at JC Santos tungkol naman sa open relationships o pagiging bukas sa ibang tao habang nasa isang relasyon. 

"Yes, pasado na po. 'Panti Sisters' is PG (parental guidance), 'Open' is R-13... Naging open ang MTRCB sa themes that bravely tackle modern issues," ani Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson Liza Diño.

Sanib-puwersa

Sa pambihirang pagkakataon naman, nakipagkasundo ang FDCP sa ABS-CBN na tatayong media partner para sa ika-100 taon ng sineng Pilipino.

"We're very lucky we have ABS-CBN to really fully realize this vision of not just celebrating it for the industry but talagang sa buong sambayanang Pilipino," ani Diño.

"Tuwang-tuwa din kami because they chose us as their media partner and it's an honor for us," sabi naman ni Cory Vidanes, ABS-CBN chief operating officer of broadcast.

Kasabay ng event sa New Frontier Theater sa Setyembre 12 ay ang pagbubukas ng PPP 2019.

—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.