Barbie Imperial, napatawad na ang ex na si Paul Salas

ABS-CBN News

Posted at Sep 05 2018 05:58 PM | Updated as of Sep 05 2018 06:17 PM

 

A post shared by Barbie Imperial (@msbarbieimperial) on

MAYNILA -- Napatawad na raw ng "Araw Gabi" lead star na si Barbie Imperial ang napabalitang karelasyon na si Paul Salas sa kabila nang hindi pa rin paghingi ng tawad nito sa kanya.

"Sa sarili ko na lang, pinatawad ko na lang siya, kasi mas madali din 'yun para sa akin para maging mas okay na ako, maka-move on ako, at maging happy ako sa life ko. Tapos na 'yun kaya, para sa akin, move on na lang," pahayag ni Barbie sa PEP.

Matatandaan na hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Barbie at Paul dahil sa mga personal na bagay na hindi nila napagkasunduan.

Pero para kay Barbie, hindi mawawala ang kanyang pagmamahal para kay Paul.

“Hindi naman mawawala 'yung pagmamahal, kahit sino naman, e. May darating lang siguro na mas mamahalin mo. Pero 'yung love, never namang nawala. Hindi naman 'yung love ko pa rin siya hanggang ngayon; minahal ko na lang siya, parang ganun," paliwanag ng aktres.

At kung tatanungin naman sa posibilidad ng muling pag-aayos, aniya: "Ayoko na talaga. Ang saya lang kasi mas marami palang nagmamahal sa akin."

Samantala sa huling guesting naman nina Barbie at JM sa "Tonight With Boy Abunda" hindi itanggi na mas malapit na sila ngayon bilang magkaibigan.