Maymay Entrata, alay sa inang OFW ang tagumpay ng 'Hello, Love, Goodbye'

ABS-CBN News

Posted at Sep 04 2019 03:13 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

MAYNILA -- Labis na pasasalamat ang ipinaabot ng Kapamilya star na si Maymay Entrata para sa tagumpay ng "Hello, Love, Goodbye."

Sa naganap na thanksgiving party nitong Martes, isa-isang pinasalamatan ni Maymay ang kanyang mga kasamahan na gumabay sa kanya sa proyekto.

"Ako po nagpapasalamat, sobra po talaga. Kasi talagang kinabahan po ako dahil ako po ang pinakabunso dito, at dahil po sa mga co-actors ko, naging madali po ang proseso ng role ko kasi talagang kinakabahan po ako," pahayag ni Maymay.

Kahit aminadong baguhan sa pagiging artista, pasasalamat din ang ipinaabot ni Maymay sa direktor na si Cathy Garcia Molina para sa naging gabay nito sa kanya.

"Isa sa mga iniidolo kong director si direk Cathy. Kahit hindi naging matagal ang taping ko doon pero 'yung disiplina bilang isang aktor at aktres ay hangga’t maari na may oras pa ako doon ay talagang nakikinig ako kaya salamat direk," aniya.

Dito, hindi napigilan na maluha ng Kapamilya star nang ialay niya ang naging tagumpay ng pelikula sa kanyang ina na isang OFW sa Japan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

"Gusto ko lang din po i-share na naging fulfillment ko po ay 'yung nakita ko 'yung nanay ko dahil 20 years na siyang OFW at sinabi niya sa akin na 'sobrang na-appreciate ko ang movie niyo.' Kasi bilang OFW mas marami nang nakaka-intindi na tao kung ano 'yung totoong nangyayari na sakripisyo at paghihirap ng mga OFW. Kaya maraming salamat po," emosyonal na kuwento ni Maymay na gumanap sa papel ng isang baguhang domestic helper sa Hong Kong sa pelikula.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.