Direktor ng 'Between Maybes', nagbigay reaksiyon tungkol kina Gerald at Julia

ABS-CBN News

Posted at Sep 03 2019 11:52 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nagbigay ng reaksiyon ang direktor ng pelikulang "Between Maybes" na si Jason Paul Laxamana tungkol sa umano ay relasyon ng mga bida ng pelikula na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Ayon sa direktor, naniniwala siyang kung anuman ang naging isyu ay hindi dapat nakikihalo ang ibang tao.

“Whatever they do, labas na 'yon sa work ko, 'di ba? Sila dapat ang sumagot niyan. Pero ako, I believe na hindi tayo masyadong dapat makihalo do’n sa problem nila, whatever it is. Sila ang magre-resolve niyan,” ani Laxamana sa panayam ng Push.com.

Ibinahagi rin ng direktor na plano ng "Between Maybes" staff na mag-reunion kapag maluluwag ang kani-kanilang schedule.

“If everyone you know is comfortable with it, why not? Kasi ako, never ko naman silang jinudge for anything and even if, theoretical lang, even if meron silang naging pagkakamali, hindi naman ako dapat magalit sa kanila kasi wala naman silang ginawang masama sa akin,” ani Laxamana.

Matatandaang nagsimula ang pagkakaibigan nina Gerald at Julia nang gawin nila ang pelikula. Kinunan din ang ilang eksena ng pelikula sa Japan.

-- Umagang Kay Ganda, Setyembre 3, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.