Anne Curtis: Mga piniratang pelikula huwag tangkilikin

ABS-CBN News

Posted at Sep 03 2019 04:16 PM | Updated as of Sep 03 2019 09:14 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

Nanawagan ang aktres na si Anne Curtis na huwag nang piratahin ang blockbuster film na “Just A Stranger,” na pinagbibidahan nila ni Marco Gumabao.

Sa pagpirata ng mga pelikula, nababalewala ang pagod na ibinubuhos ng mga nasa industriya para makabuo ng mga palabas, sabi ni Curtis sa panayam ng ABS-CBN News noong Lunes sa victory party ng “Just A Stranger.”

“I really pray that the people who do this, they really have a conscience that, you know, huwag na. Parang, it’s really horrible,” ani Curtis.

Watch more in iWant or TFC.tv

“You're also taking away the hard work that everyone in the film industry is doing and worked hard for, and then you're just gonna make a really horrible copy,” dagdag ng aktres.

Hinimok din ng “It’s Showtime” host ang publiko na huwag nang tangkilikin ang pirated movies.

“The reason why kumakalat ‘yan is because you guys support it din naman, pinapanood niyo din naman,” ani Curtis.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Marco Imperial Gumabao (@gumabaomarco) on

Nagpapasalamat naman sina Curtis at Gumabao sa tagumpay ng “Just A Stranger,” na kumita ng P100 milyon sa takilya 12 araw mula nang ipalabas sa mga sinehan. Ito ay kahit pa Restricted-16 (R-16) ang rating nito.

“We’re very happy because we’re all very nervous, it being an R-16 film ‘di ba? But we did it and we’re very happy,” ani Curtis.

Sinusundan ng “Just A Stranger,” na dinirek ni Jason Paul Laxamana, ang relasyon nina Mae (Curtis) at ng estudyanteng si Jericho (Gumabao). May asawa si Mae habang may karelasyon ding iba si Jericho.

-- May ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.