Pelikula ni Judy Ann Santos na 'Mindanao,' makapasok kaya sa MMFF?

ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2019 04:05 PM

MAYNILA -- Umaasa ngayon ang Cinemalaya 2019 best actress na si Ruby Ruiz na mapabilang ang kanilang bagong proyekto na "Mindanao" sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Brillante Ma Mendoza (@brillante_mendoza) on

Isa si Ruiz sa mga bibida sa inaabangang proyekto ni Judy Ann Santos sa pamumuno ng direktor na si Brillante Mendoza.

Kuwento ng aktres, ibang klaseng atake na ibinigay ni Juday sa kanilang proyekto.

"Ang galing ni Judy Ann! Ay grabe!" bungad ni Ruby sa naganap na launch ng Get Reel Mobile Short Films Festival 2019. "Ang luha talaga niya buo-buo, hindi sumasabog."

Ayon pa kay Ruby, naniniwala siya na pang-MMFF ang tema ng kanilang pelikula.

"Ako dapat! Very relevant 'yung tema, tapos first time ko din na nakita si direk Brillante Mendoza na parang ganitong klase ang treatment niya, unlike sa ibang proyekto na dating ginawa niya," aniya.

Dahil sa napapanahon na tema ng kanilang pelikula, naniniwala si Ruiz na pagbibigyan ito na makapasok sa taunang film festival.

"It's a very good film. Its a must to watch," sabi ng aktres sa panayam.

Sa ngayon, inaabangan pa rin ang apat pa na pelikula na bubuo sa listahan ng mga pelikulang mapapanood sa 2019 MMFF.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.