Kathryn Bernardo, tampok sa bagong music video ni Daniel Padilla

ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2019 03:59 PM | Updated as of Sep 02 2019 05:36 PM

MAYNILA -- Sa kabila nang pagiging abala sa kanilang mga trabaho, hindi pa rin nawalan ng oras sa isa't isa sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Watch more in iWant or TFC.tv

Isa si Kathryn sa mga kasali sa music video ng awiting "Mabagal" nina Daniel at Moira Dela Torre para sa Himig Handog 2019. 

Bukod kay Kathryn, kabilang din dito ang mister ni Moira na si Jason Hernandez.

Sa ngayon, isa-isa na rin ipinapasilip ang iba pang mga music video na bahagi ng taunang songwriting competition ng ABS-CBN.

Gaganapin ang awarding ng Himig Handog sa Oktubre 13 sa "ASAP Natin 'To."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.