Elmo Magalona, handa na ba makatrabaho muli si Janella Salvador?

ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2019 05:11 PM

MAYNILA -- Hindi man naging maganda ang kinahinatnan ng kanilang nabuong samahan, nagpapasalamat pa rin si Elmo Magalona sa kanyang dating ka-love team na si Janella Salvador.

Kuwento ni Elmo, isa sa mga ipinagpapasalamat niya ang mga natutunan kay Janella.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Janella Salvador 🦄 (@superjanella) on

"I think it's just really a change of mindset. I'm not saying na hindi siya nakatulong sa akin, it's still part of my growth na I went through that. But this time, I think it's a change of phase lang that every artist goes through," tugon ni Elmo sa panayam.

Bukod sa bagong teleserye, haharapin din ni Elmo ang kanyang pagbabalik musika kasabay ng muling pagsigla ng kanyang showbiz career.

"We have to go through things talaga and I'm happy na I'm busy with something. With my music mayroon ako nilabas na single, medyo recent lang, a few weeks ago. Maganda ang outcome niya," ani Elmo.

At kung tatanungin kung handa na ba siyang makatrabaho muli si Janella, sagot ni Elmo: "We'll see. But right now I'm happy and I focus on my music."

Sa ngayon, puspusan pa rin ang paghahanda ni Elmo para sa nalalapit na pagsisimula ng kanyang proyekto sa ABS-CBN kasama sina Nash Aguas, Jerome Ponce at Gerald Anderson.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.