Xian Lim, bibida sa 'MMK' bilang adik

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2017 01:04 PM | Updated as of Aug 31 2017 01:28 PM

MANILA - Bibida si Xian Lim sa isa na namang espesyal na episode ng "Maalaala Mo Kaya" (MMK) ngayong Sabado, Setyembre 2. 

Sa direksyon ni Mae Cruz Alviar, gagampanan ni Xian ang karakter ni Randy na pilit bumangon mula sa pagkakalulong sa bawal na gamot. Susubukin si Randy ng kanyang pag-ibig para kay Mutya (Shy Carlos) na hirap ding makakawala sa ipinagbabawal na gamot.
 
Narito ang trailer para sa "MMK" episode ngayong Sabado.

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.