Maymay at Edward, opisyal na nga ba ang relasyon?

ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2019 12:15 PM | Updated as of Aug 30 2019 01:53 PM

MANILA -- "Hindi pa po." Ito ang mabilis na sagot ni Maymay Entrata sa tanong kung sila na nga ba ng kanyang ka-love team na si Edward Barber.

Sa panayam kay Maymay at Edward nitong Huwebes sa bloggers' conference para sa kanilang concert na "M.E. and U" na gaganapin sa New Frontier Theater sa Setyembre 27, binigyang linaw ng dalawa ang estado ng kanilang relasyon.

"Hindi pa po. Sa ngayon siguro mas focus ako sa pamilya ko muna. Pero nandiyan lang naman si Dodong (Edward). Naging bahagi na siya ng buhay ko at ayaw ko na rin siyang mawala. Ayaw ko siyang mawala, pero half doon ay may freedom siya kung ano ang gusto niyang gawin," ani Maymay.

Para naman kay Edward, maghihintay lang siya hanggang maging handa na si Maymay.

"I am taking my time with everything I do whether it would be with Maymay and work. So ayaw kong mag-rush. Ayaw kong may pressure para maging isang love team na real when it's not. So whatever is happening hindi ko alam kung paano i-describe, 'yun ang nangyayari. Whatever they see we want to be real whether in vlogs, TV or in a concert, happy lang kami sa kung ano ang mayroon," ani Edward na inaming "girlfriend material" si Maymay.

"She's very girlfriend material to the point na I don't want to see her as the girlfriend of another," pag-amin ni Edward.

Matatandaang Mayo nitong taon nang aminin ni Maymay na nililigawan ni Edward ang kanyang pamilya.
 
Ayon kay Maymay, sasagutin niya si Edward sa tamang panahon.

"Kapag okay na po lahat. ... Kapag feeling ko ay ito na yung tamang panahon. Saka sasabihin naman namin," ani Maymay.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Reyma Buan Deveza (@reymabd) on