'Hello, Love, Goodbye', pasok sa box office chart sa North America

ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2019 11:57 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Pasok sa box office chart sa North America ang pelikula ng Star Cinema na "Hello, Love, Goodbye."

Sa datus na inilabas ng Comscore, isang American media measurement and analytic company, nasa fifth place ang "Hello, Love, Goodbye" sa mga pelikulang ipinalabas sa US at Canada.

Base sa post ng Star Cinema, higit P800 milyon na ang kinita ng pelikula worldwide.

Bida sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa patok na pelikula sa direksiyon ni Cathy Garcia Molina.


--- Umagang Kay Ganda, Agosto 28, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.