JM de Guzman at Barbie Imperial, may mensahe sa kanilang mga ex

ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2018 01:43 PM | Updated as of Aug 28 2018 02:03 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Mensahe para sa naging ex nina JM de Guzman at Barbie Imperial ang isa sa mga napag-usapan sa naging panayam sa kanila sa "Tonight With Boy Abunda" nitong Lunes ng gabi.
 
“Good luck and I’m really happy for you, proud of you. Thank you for being part of my life,” pahayag ni de Guzman sa para sa kanyang ex. 

Ang pagpapatawad naman ang naging mensahe ni Barbie sa kanyang naging ex. 

“Masaya ako, sana ikaw din. Napatawad na kita,” maikling pahayag ni Imperial sa naging panayam sa kanila.

Di man pinangalanan ang mga naturang ex, huling naugnay ang pangalan ni JM de Guzman sa Kapamilya star na si Jessy Mendiola, habang kay Paul Salas naman si Barbie Imperial.

Abril 2018 ng nagsimulang mapanood sa Kapamilya series na "Araw Gabi" sina JM at Barbie.