JM de Guzman at Barbie Imperial, mag-on na nga ba?

ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2018 05:12 PM | Updated as of Aug 28 2018 07:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi itinanggi ng mga bida ng “Araw Gabi” na sila JM de Guzman at Barbie Imperial na mas naging malapit sila sa isa’t isa ngayon.

Sa naging panayam kay JM at Barbie sa “Tonight With Boy Abunda” nitong Lunes ng gabi, hindi naiwasan na itanong kay JM kung nagliligawan na ba sila ngayon.

“PTD, patay tayo dyan “ tugon ni JM kay Boy Abunda.

Hindi man sinagot ang tanong, bakas naman ang mga saya sa ngiti sa mukha ni JM at Barbie.

At kung tatanungin naman ang aktres kung may pag-asa ba si JM kung manliligaw ito sa kanya, ito ang naging maikling sagot ni Barbie: “Oo naman, Tito Boy.” 

Abril nitong taon ng nagsimulang mapanood sa Kapamilya series na "Araw Gabi" sina JM at Barbie.