Zanjoe Marudo, nasugatan sa All Star Games

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2019 06:59 PM | Updated as of Aug 27 2019 07:11 PM

MAYNILA -- "Malayo sa bituka."

Ito ang sinigurado ng Kapamilya star na si Zanjoe Marudo matapos ang aksidenteng tinamo sa naganap na 2019 Star Magic All Star Games sa Araneta Coliseum nitong Linggo.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng aktor ang naging pagtahi sa kanang bahagi ng kanyang kilay matapos siyang masiko sa kasagsagan ng laban sa basketball.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo) on

Naglaro si Zanjoe sa koponan ni Gerald na nagwagi laban sa "It's Showtime" team ni Vice Ganda.

Dito, namataan din ng ABS-CBN News ang napabalitang nobya ni Zanjoe na si Josie Prendergast na nanood ng laro.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.