Maris Racal at Inigo Pascual, magka-date nga ba sa 2019 ABS-CBN Ball?

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2019 07:13 PM

MAYNILA -- Sa kabila ng kinahinatnan ng tamabalan ni Maris Racal at Inigo Pascual, nanatiling mabuting magkaibigan pa rin ang dalawang Kapamilya star na bibida sa kanilang unang pelikula na "I'm Ellenya L."

Matatandaan na sa huling panayam kay Maris, inamin niya na naging malaking hamon sa kanya na tapusin ang proyekto dahil sa unti-unting pananamlay ng tambalan nila ni Inigo.

Kasunod ng kanilang pagso-solo ngayon, isa sa naging tanong sa dating tandem kung aasahan ba silang magkasama sa red carpet ng inaabangan na ABS-CBN Ball.

"Hindi pa namin napag-uusapan pa pero depende," tugon ni Maris sa press nitong Lunes.

"Abangan si Ellenya and si Peng sa Ball," sagot naman ni Inigo.

"Pag-iispan ni Ellenya kung magkasama tayo," dagdag naman ni Maris.

Sa ngayon, kapwa abala si Maris at Inigo sa nalalapit na pagbubukas ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 na magsisimula ngayong Setyembre 13 hanggang 19.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.