WATCH: Sikreto ng MayWard sa tumatatag nilang love team

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2018 09:46 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Sa kabila ng kasikatan nina Maymay Entratra at Edward Barber, nanatili pa rin daw ang pagiging mapagkumbaba ng rising Kapamilya love team.

Sa panayam ng programang "Rated K" ni Korina Sanchez nitong Linggo, ibinahagi ni Maymay at Edward ang sikreto ng kanilang love team.

"Hindi po mawala kung sino po talaga kami, kung ano ang nararamadaman po namin," sabi ni Maymay sa "Rated K".

"Tapos isa din sa dahilan kung bakit, bumabalik kami kung sino talaga kami dahil 'yung mga kaibigan namin hanggang ngayon kaibigan pa ein namin, tapos 'yung pamilya namin andyan," paliwanag pa niya.

Ang magbigay inspirasyon para sa mga millennials na gaya nila ang gustong ibahagi ni Edward sa kanilang mga fans.

"Isa sa mga bagay na gusto namin i-represent bilang artist, bilang love team, bilang anak, as millennials din, I hope magbigay pag-asa, 'yun ang gusto namin ibigay sa mga tao," pahayag naman ni Edward. 

Sa ngayon, isang pelikula at teleserye ang nakatakdang gawin ng MayWard na kasalukuyang napapanood sa "Wansapanataym presents: Ikaw ang Ghosto Ko."

Taong 2017 ng mabuo ang tambalan ni Maymay at Edward na nagsimula sa loob ng "Pinoy Big Brother" house.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.