Tanong ni Daniel kay Kathryn: 'Love mo 'ko?'

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2018 05:03 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Matapos ang mga naging mga pag-amin ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang relasyon sa naganap na media conference ng kanilang upcoming movie na "The Hows of Us," sumalang naman sa "Tanong Mo, Mukha Mo" segment ng "Gandang Gabi Vice" nitong Linggo si Daniel.

Dito, ilan sa malalapit sa aktor ang ipinakita ang larawan, kabilang si Kathryn. 

Simple lang ang naging tanong ni Padilla para kay Bernardo kundi 'Love mo 'ko?' na sinundan ng aktor ng matamis na mga ngiti. 

Mapapanood ang "The Hows of Us" ngayong Agosto 29 sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.