OK lang ba kay Daniel na may ibang ka-'kissing scene' si Kathryn?

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2018 01:00 PM

 

A post shared by Daniel (@supremo_dp) on

MAYNILA -- Sa loob ng anim na taon bilang isa sa mga tambalang labis na kinakikiligan ng nakararami, kahit minsan ay hindi napares sa iba sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Pero bukas naman sila sa ideyang ito, lalo at trabaho lamang ito, sabi ni Padilla sa episode ng "Gandang Gabi Vice" noong Linggo.

"Siyempre, 'di malabong mangyari 'yon," aniya. "Bakit naman hindi? Trabaho naman."

Watch more in iWant or TFC.tv

Nang tanugnin ni Vice Ganda si Padilla kung papayag ba itong may ibang kahalikan si Bernardo sa eksena, tila may pag-aalinlangan ang binata sa pagsagot.

"'Yon lang, pag-iisipan ko," ani Padilla.

"Kami nga inabot ng limang taon bago nag-kissing scene ta's sila ganoon lang? Hindi gano'n," ani Padilla

Unang nagka-kissing scene sila ni Bernardo sa pelikulang "Barcelona: A Love Untold" noong 2016.

Nang baligtarin ang tanong, sinabi ni Padilla na hindi rin papayag si Bernardo na may iba siyang ka-kissing scene.

Kinumpirma nina Bernardo at Padilla noong Miyerkoles na limang taon na silang magkarelasyon sa tunay na buhay.

Kasalukuyang abala ang dalawa sa pag-promote ng kanilang pelikulang "The Hows Of Us," na tumatalakay sa mga long-term relationship o pangmatagalang relasyon. Ipapalabas na ito sa mga sinehan sa Agosto 29.

Unang nagkasama sina Bernardo at Padilla noong 2011 sa youth-oriented drama na "Growing Up." Nang pumatok, sinubok naman sa prime-time slot ang tambalan nila sa pamamagitan ng 2012 seryeng "Princess and I."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.