Maja Salvador, anim na buwan nang single

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2018 12:45 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Single ngayon ang aktres na si Maja Salvdor. 

Ito ang ibinahagi ng kanyang matalik na kaibigan na si Kakai Bautista sa naging pagbisita nila sa "Magandang Buhay" nitong Lunes.

"Hindi siya in love. Hindi dapat, hindi pa. Masaya siya sa single life niya. Ini-enjoy niya ang perks of being Maja Salvador," ani Kakai.

Sinigundahan naman ni Maja ang sinabi ng kaibigan na single siya sabay amin sa kung ilan buwan na ba siyang walang karelasyon.

"Mga six months. Going seven," ani Maja.

Dagdag na hirit ni Maja: "Okay huwag nang sabihin kung sino 'yon. Buti nga umaming six months na, di ba?"

Noong Enero, naging bukas si Maja sa pagsabing nakikipag-date siya sa kanyang high school classmate.

Huling naging nobyo ni Maja sa showbiz ang aktor na si Gerald Anderson.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.