Maja, naging emosyonal dahil sa kaibigang si Kakai

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2018 01:40 PM | Updated as of Aug 27 2018 03:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tvmaja

MANILA -- Hindi napigilan ni Maja Salvador ang maging emosyonal sa pagbabahagi ng saloobin tungkol sa nangyari sa pagitan ng kaibigan niyang si Kakai Bautista at aktor na si Ahron Villena.

"Siguro noong panahon ng kuwentong 'yon, tahimik lang ako, kasi ayaw kong saktan siya sa puwede kong sabihin dahil alam kong minahal din naman niya talaga," paunang kuwento ni Maja sa naging pagbisita niya sa "Magandang Buhay" nitong Lunes kasama si Kakai.

"Pero 'yung movie nila na 'Harry and Patty,' honest to God, willing ako to support. As in sabi ko, 'Besh, magpapa-block screening ako.' Wala kasi ako sa premiere night; nasa Thailand kami noon. Pero ewan ko parang nag-a-agree si God na parang huwag na, 'yung hindi ako um-attend ng premiere night o nagpa-block screening ako," dagdag ni Maja.

Naniniwala si Maja na sadyang nakatakda ang hindi nila muling pagkikita ng aktor.

"Kasi siguro na pipi-feel ni God 'yung kung ano ang pain na na-feel ko kay (Kakai) noon na hindi ko talaga kayang makita si Kuya. 'Yung parang ganoon. Support ako kasi pelikula ng best friend ko. Pero kung paano ko siya nakitang in pain, hindi mo maalis 'yon na magalit ako sa iyo, pero tahimik lang ako. Still nire-respeto ko ang friendship niyo ng best friend ko. Hindi na kailangang mag-tweet ng kung anu-ano about sa kanya, huwag na. Tahimik na lang, pero wala kang maririnig sa akin," ani Maja na pilit na pinipigil ang emosyon.

Samantala, nag-iba naman ang ihip ng hangin nang ilaglag ni Maja si Kakai tungkol sa bagong lalaki na nagpapasaya rito.

Ayon kay Maja, masaya siya ngayon sa pagkakaibigan ni Cacai at ni Bryan del Rosario, miyembro ng trio na JBK na nakilala sa pagsabak nila sa "The X Factor UK" noong nakaraang taon.

"Hindi sila in a relationship but masaya siya kay Bryan," ani Maja.

Nang matanong si Maja, kung masaya siya para kay Kakai, sagot ni Maja: "Ako, oo. Mabait 'yon. Nagpapakita sa akin eh. Pero magkaibigan sila walang relasyon, pero alam mo 'yung happy sila kapag magkasama," ani Maja.

Giit ni Kakai, magkaibigan lang talaga sila ni Bryan.

"Sobrang kaibigan. Siyempre sa panahon ngayon hindi na uso ang magkaibigan na babae at lalaki. Pero kasi siya, more than anything, sobrang kaibigan niya sa akin. Nung walwal na walwal ako kay Ahron, bukod pa sa mga kaibigan ko, siya yung mabait," paliwanag ni Kakai.

Dagdag na hirit naman ni Maja, may iba pang nagpaparamdam kay Kakai pero sadyang "choosy" lang ang kaibigan. 

"Alam mo kung puwede lang akong magsalita, ang choosy kasi nito. Mayroon pang ibang nagpaparamdam, pero akalain mo naman bagets ito, gusto ka-age. Gusto niya ka-age ko, ayaw niya sa ka-age niya. Pero ang daming nagpaparamdam, brainy, hindi showbiz," ani Maja.