Daniel, ibinahagi ang sikreto ng relasyon nila ni Kathryn

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2018 12:17 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ibinahagi ni Daniel Padilla ang sa palagay niya ay sikreto ng kanilang relasyon ng aktress na si Kathryn Bernardo.

Para kay Daniel, kailangan lamang na gustuhin ng dalawang nasa relasyon na magtagal sila.

"Wala naman siyang formula, I think... Gusto kasi namin na magtagal," aniya.

"Marami nang pagkakataon na binigyan ako ng choice kung gusto ko, pero lagi kong pinipili na gusto," dagdag pa ni Daniel.

Kamakailan lamang inamin ng dalawa na limang taon na silang magkarelasyon.

Ayon rin kay Daniel, may mga eksena sa kanilang pelikulang "The Hows of Us" na nangyayari sa totoong relasyon.

Ipapalabas ang "The Hows of Us" sa Agosto 29.