Ano ang masasabi ni Daniel Padilla sa ibang Kapamilya love teams

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2018 04:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ultimate artista kung ilarawan ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla sina James Reid at Nadine Lustre sa "Tanong Mo, Mukha Mo" segment ng "Gandang Gabi Vice" nitong Linggo ng gabi.

Sa masayang kuwentuhan ni Daniel at Vice Ganda, pinuri ng aktor ang ilan sa mga kasabayan na love team gaya ng LizQuen, JoshLia at ang Jadine.

Ang husay sa pag-kanta ni James at pagiging fearless ni Nadine ang mga papuri na binitawan ni Daniel para sa tambalan ng JaDine.

Kagandahan at kagwapuhan naman ang naging tugon ni Daniel sa mga larawan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Bagong Rico Yan at Claudine Barretto naman ang naging bansag ni Daniel kay Joshua Garcia at Julia Barretto.

Ang tambalan ng KathNiel, JaDine LizQuen at JoshLia ang mga power love teams ng Kapamilya network na patuloy na kinakikiligan hanggang sa ngayon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.