Maja Salvador, nagpasalamat sa tagumpay ng 'The Killer Bride'

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2019 11:24 AM

 MANILA -- Labis ang kasiyahan ni Maja Salvador sa tagumpay ng kanyang pinakabagong serye na "The Killer Bride."

Sa kanyang Instagram post nitong Linggo, muling nagpasalamat si Maja sa lahat ng mga manonood ng sikat na serye.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

"Gusto ko lang magpasalamat kay Lord at sa inyong lahat. Salamat sa suporta at pagtanggap niyo sa show namin na #TheKillerBride ang sarap makabasa at makarinig ng magagandang comments and opinions niyo," ani Maja sa caption.

Dagdag ng aktres, marami pang aabangang tagpo sa "The Killer Bride" na ngayon ay nasa ikatlong linggo na.

"Alam namin marami kayong mga tanong at itong week na ito unti-unting masasagot sa bawat episode na mapapanuod niyo," dagdag ni Maja.

Matatandaang agad na humataw sa national TV ratings ang pagsisimula ng Kapamilya serye nito lamang Agosto 12.

Agad na kinapitan ng mga manonood ang karakter ni Maja bilang si Camila.

Kasama ni Maja bilang mga bida ng nasabing serye sina Geoff Eigenmann, Joshua Garcia at Janella Salvador.

Mapapanood ang "The Killer Bride" mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng "The General's Daughter."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.