Kathryn Bernardo, alay ang tagumpay ng 'Hello, Love, Goodbye' kay Daniel Padilla

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2019 03:49 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

MAYNILA -- Hindi pa rin makapaniwala si Kathryn Bernardo sa blockbuster na tagumpay ng kanyang pelikulang "Hello, Love, Goodbye" kasama si Alden Richards.

Sa huling tala ng Star Cinema, sumampa na sa higit P800 milyon ang kinita ng pelikula na isa na ngayon sa highest grossing Filipino films of all time.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Sabi ko nga nangyayari ba 'to? Ang ganda ganda nang lahat ng nangyayari. Ewan ko, siguro lahat ng nararamdaman ko pasasalamat and I'm super duper happy. Parang hindi ko alam na pwede mangyari 'to kasi wala naman ako in-expect talaga simula pa lang and sobra sobra 'yung binigay ni God na blessing," ani aktres sa naganap na Star Magic All Star Games nitong Linggo. 

At bilang aktres, masaya din si Kathryn sa pagtabo sa takilya ng kanyang mga pelikula na kanyang alay sa mga fans at sa taong malalapit sa kanya. 

"Pati ako hindi makapaniwala katulad nang nangyayaring reactions ng lahat, ganun din ako. Siguro, sobrang grateful lang ako sa lahat ng nangyayari and lahat 'to sini-share ko lahat ng success na 'to sa lahat ng fans, lahat din ng fans ni Alden and, of course, kay DJ (Daniel Padilla) and kay direk Cathy (Garcia Molina), lahat to success namin," sabi pa niya.

Nagbigay saloobin din ang aktres sa hiling ng sambayanan na magkaroon ng sequel ang "Hello, Love, Goodbye."

"Yes, of course, I'm very open to that. Let's see siguro basta pag-balik siguro ni direk Cathy from her short break or tingnan natin kung payagan siya," paliwanag ni Kathryn.

Pinasalamatan din ni Kathryn ang buong suporta ng kanyang nobyo na si Daniel Padilla na buong-buo ang ibinigay na suporta sa kanya.

"Ever since naman, sobrang supportive ni DJ sa akin." aniya.

Sa ngayon, inaasahan ang muling paglabas ni Kath ng bansa para sa international screenings ng "Hello, Love, Goodbye."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.