'Ang tagumpay niya ay tagumpay ko rin': Daniel Padilla proud BF kay Kathryn Bernardo

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2019 01:22 PM

Daniel Padilla greets Kathryn Bernardo during the Star Magic All Star Games held at the Araneta Coliseum. George Calvelo, ABS-CBN News

MAYNILA -- Proud boyfriend ang aktor na si Daniel Padilla para sa kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo sa tagumpay ng pelikula nito na "Hello, Love, Goodbye" kasama si Alden Richards.

Sa huling tala ng Star Cinema, sumampa na sa higit P800 milyon ang kinita ng pelikula na isa na ngayon sa highest grossing Filipino films of all time.

Sa panayam ng entertainment press kay Daniel sa Star Magic All Star Games 2019 nitong Linggo ng gabi, ibinahagi ng aktor ang kanyang kasiyahan para sa tagumpay ni Kathryn. 

"Siyempre very proud. Kanina nga nagsimba kami para lang magpasalamat sa lahat ng mga blessings na natatamo niya at natatamo ko rin and ayun masaya siyempre kasi ang tagumpay niya ay tagumpay ko rin," pahayag ni Daniel.

Dahil nai-pares na sa ibang leading man ang nobya, suportado din daw ni Kathryn ang posibilidad na pakikipagtrabaho niya sa ibang leading lady.

"Supportive din 'yun, excited nga 'yun e," ani Daniel. "Sabi nga ni Kathryn, hindi naman natin sinasara ang mga pinto natin sa mga ganun na oportunidad."

Sa ngayon, abala si Daniel sa music video ng "Mabagal" na isa sa mga awitin na kasali sa Himig Handog 2019.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.