Sue Ramirez at Joao Constancia, hiwalay na

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2019 01:42 PM | Updated as of Aug 23 2019 10:11 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Joao Micael V. Constancia (@boyband_joao) on

MANILA -- Matapos ang dalawang taon nilang relasyon, hiwalay na sina Sue Ramirez at Joao Constancia, isa sa mga miyembro ng BoybandPH.

Ginawa ni Sue ang kumpirmasyon noong Huwebes sa press conference para sa kanyang pelikulang "Cuddle Weather," kung saan leading man niya si RK Bagatsing.

"Bago, bago pa po [ang hiwalayan]," aniya.

"Wala, definitely wala," dagdag ng aktres nang matanong kung may third party sa kanilang relasyon. 

Ayon kay Sue, ang pagtatrabaho ang isa sa mga dahilan kung paano niya nakayanan ang hiwalayan.

Giit niya, naging maayos ang kanilang breakup at nananatili silang magkaibigan ni Joao.

"Thank God I had work, I had a lot of work. My work has been helping me po. Okay naman and we still talk at hindi kami naghiwalay na hindi kami okay sa isa't isa," aniya.

Nang matanong ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, sagot ni Sue: "Differences. Maraming differences. Yeah, we are okay."

"Marami na po kaming hindi napagkakasunduan."

Ayon din kay Sue, bukas siya sa posibilidad na magkabalikan pa sila ng dating nobyo.

"Siguro, hindi natin masabi. Maaga pa po, it's too early to say," pag-amin ng aktres na naniniwala sa pagbibigay ng second chance.

Sa September 13 ipapalabas ang "Cuddle Weather" na isa sa mga kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino.
 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.