Teaser ng pelikula nina Carlo Aquino at Maine Mendoza, inilabas na

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2019 12:08 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#IsaPaWithFeelings, coming soon.

A post shared by Black Sheep (@black_sheepph) on

MANILA -- Inilabas na ang online teaser para sa pelikulang "Isa Pa With Feelings" na pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Maine Mendoza.

Sa Instagram nitong Miyerkoles, inilabas ng Black Sheep ang teaser kung saan ipinapakita ang mga retrato ng dalawang bidang karakter ng pelikula.

"Minsan may mga taong hindi talaga magkaintindihan. Kahit sa feelings, may mga bagay na hindi klaro. Baka kailangang ulit-ulitin kung ano ang nararamdaman? 'Isa Pa, With Feelings,'" ayon sa teaser.

Sa caption para sa nasabing post, sinasabing malapit nang ipalabas ang pelikula.

Sa direksiyon ni Prime Cruz, ang "Isa Pa with Feelings" ay mula sa Black Sheep na siyang may likha ng "Alone/Together" at "Exes Baggage."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.