Andrea Brillantes, planong magpatayo ng bahay para sa pamilya

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2019 07:58 PM

MANILA -- Unti-unti nang natutupad ni Andrea Brillantes ang kanyang pangarap na magkaroon ng bahay ang kanyang pamilya.

Mula sa kabi-kabilang mga endorsement na dumarating sa kanya ngayon, planong ibuhos ni Andrea ang kanyang mga kinikita para sa kanyang ipapatayong bahay.

"Magpapatayo po ako ng bahay, so doon ko po inilalagay ang lahat ng pinaghihirapan ko," ani Andrea sa panayam.

Sa ngayon, patuloy na napapanood si Andrea bilang si Marga sa "Kadenang Ginto."

Matatandaan na sa panayam ng programang "Rated K" ay ibinahagi ng Kapamilya star ang kanyang pinagdaanan na hirap noong hindi pa siya artista.

"Sa squatters lang po [kami nakatira]. Simple lang talaga. Magulo, nakikitira lang kami sa grandparents ko noon. Wala po kaming sariling bahay," aniya. 

"Gusto kong malagay 'yung family ko sa subdivision. May hagdan, may aircon. And gusto ko kasi magkakasama kami," dagdag ng aktres.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.