Alden Richards, binalikan ang karakter sa 'Hello, Love, Goodbye'

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2019 07:39 PM | Updated as of Aug 22 2019 07:40 PM

MANILA -- Kasunod ng tagumpay ng "Hello, Love, Goodbye," muling binalikan ni Alden Richards ang kanyang karakter sa pelikula bilang si Ethan.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktor ang kanyang naging lesson sa bartending para sa pelikula.

"What drink can I get you?" tanong niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

Matatandaan na inamin noon ni Alden na kinailangan niyang sumabak sa training sa bartending bago sumalang sa mga eksena sa "Hello, Love, Goodbye."

"Ni-require po ako kasi kailangan na magmukha po akong sanay na sanay sa gingawa ko," aniya.

"Isa po sa mga natutunan ko kay direk Cathy (Garcia-Molina), para mabigyan mo ng hustisya ang role na ginagawa mo, wag mo siyang i-acting kasi mahahalata at mahahalata ng audience 'yan e. Kailangan isabuhay mo siya," dagdag ni Alden.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag sa takilya ng "Hello, Love, Goodbye."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.