Karla Estrada, tiwala na sa sariling desisyon ni Daniel Padilla

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2019 05:44 PM

MANILA -- Hands off na raw ngayon ang "Magandang Buhay" host na si Karla Estrada sa mga desisyon ng kanyang anak na si Daniel Padilla.

Kuwento ni Karla, kabilang sa ipinaubaya niya sa kanyang anak ang tamang pagpaplano ng sariling kinabukasan nito.

"Sa pagplano ng future niya, kanya 'yon. Kasi kahit ano naman ang sabihin ko, kung ano ang gusto niya, 'yun ang masusunod," pahayag ni Karla sa panayam ng ABS-CBN News.

"Ako talagang andito lang para gumabay lang. Comment lang nang konti, bibigyan mo lang ng ideas. But at the end of the day, it's his decision, actually. Dapat masunod sa kanya," aniya.

Isa rin daw ito sa paraan ni Karla na subukin ang pagiging independent ng kanyang anak.

"Dapat ma-exercise na niya 'yon, hindi naman habangbuhay andito ako. Maganda naman na at their young age, hinahayaan na natin silang mag-decide kasi 'yung independence very important and 'yung pagiging responsable, higit sa lahat," paliwanag niya.

Watch more in iWant or TFC.tv

Gaya ng personal na buhay ng anak, alalay na lang din ang ibinibigay ng "Magandang Buhay" host kay Daniel pagdating sa relasyon nito kay Kathryn Bernardo at sa showbiz career nito.

"Simula nang nag-18 siya, hindi na ako masyado [nakikialam]. Pinababayaan ko siya. 'Pag may gusto siyang sabihin, [sasabihin ko] 'Okay anak, okay ba 'yan sa 'yo?' Or, 'Masaya ka ba diyan?' Ganun na lang," aniya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.