Candy Pangilinan, may masayang alaala tungkol kay FPJ

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2019 04:28 PM

MANILA -- Nakakatuwa ang naging pag-alaala ni Candy Pangilinan sa yumaong si Fernando Poe Jr.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles para sa paggunita sa ika-80 anibersaryo ng kaarawan ng kinikilalang "Hari ng Pelikulang Pilipino," isang masayang kuwento ang ibinahagi ni Candy tungkol kay FPJ, ang nagbigay-daan para mapasok niya ang mundo ng showbiz.

Ayon kay Candy, ang pagdala ng medyas para sa kanyang kaibigan na si Harlene Bautista ang naging daan para magkita sila ni FPJ at mapasama siya sa ginagawang pelikula nito.

Narito ang kuwento ni Candy, na ikinatuwa rin ng anak ni FPJ na si Senator Grace Poe:

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.