Maris Racal nag-trending nang sumabak sa 'Star Patrol'

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2019 08:55 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sumabak ngayong Martes ang aktres na si Maris Racal sa paghahatid ng balitang showbiz sa flagship newscast na "TV Patrol."

Si Racal ang nagsilbing bisitang celebrity Star Patroller, at naging bahagi pa ang hashtag na #MarisRacalOnStarPatrol sa trending topic sa Twitter Philippines.

Ipinakilala niya ang mga ulat ukol sa trending na eksena ni Judy Ann Santos sa "FPJ's Ang Probinsyano," pagbisita sa bansa ng World Wrestling Entertainment superstar na si Sheamus, at pagiging ganap na officer ni Matteo Guidicelli sa Philippine Army.

Narito ang ilang behind the scenes na retrato ni Racal:

Maris Racal nag-trending nang sumabak sa 'Star Patrol' Retrato ni Alec Corpuz, ABS-CBN News

Maris Racal nag-trending nang sumabak sa 'Star Patrol' Retrato ni Alec Corpuz, ABS-CBN News

Maris Racal nag-trending nang sumabak sa 'Star Patrol' Retrato ni Alec Corpuz, ABS-CBN News

Nakatakdang bumida si Racal sa inaabangang teleserye na "Pamilya Ko" at sa Pista ng Pelikulang Pilipino entry na "I'm Ellenya L."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.