Liza Soberano, balik-eskuwela

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2019 12:03 PM | Updated as of Aug 20 2019 01:31 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano) on

MANILA -- Balik-eskuwela ang Kapamilya star na si Liza Soberano.

Sa kanyang post sa Instagram nitong Lunes, ibinahagi ng aktres na natutuwa siyang ipagpatuloy ang kursong Psychology sa Southville International School.

"What I like most about being a student is the joy of discovering new things and appreciating what the world has to offer. Glad to be back," ani Liza sa caption.

Habang nasa Southville ay nagkaabot sina Liza at kapwa-aktres na si Jodi Sta. Maria, na kasalukuyan ding nag-aaral ng Psychology sa eskuwelahan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Southville Int'l School (@southville_is) on

Sa Setyembre ay balik-trabaho si Liza para sa isang pelikula kasama ang nobyong si Enrique Gil.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.